Monday, August 23, 2010

First Time ko.


Ang lupet! first time kong pumunta sa ulingan,kasama ko pa si Sir Bobot pati si kuya Vijay. Kasama rin namin yung mga estudyante ni sir.Si Sir Bobot pa ang ka body ko kaso hindi ako makasabay.iba talaga kapag professional photographer kahit ano tatahakin makapag-shoot lang ng magandang photo. sumugod pa sya sa kung saan saan. naiiwanan na nya ako pero hindi naman ako makasunod agad kasi nga maputik na mausok pa. Sya hindi nya iniintindi yung mga putik at usok basta sya may magandang photo wala syang pakialam kung ano man yung meron sa ulingan. Kahit posible na manakaw sa kanya yung camera nya hindi nya hindi nya yun iniintindi. pero masaya kasi kasama ko sila dun pati yung iba kong friends. With picture pa sa tabing dagat.Kapagod nga lang.



Friday, August 13, 2010

Maraming Salamat Po.

Una sa lahat nais ko pong magpasalamat sa mga taong tumulong sa amin na matuto at gumawa ng blog; Una kay kuya Vince Gulangco, at ate Hannah Villasis, na tinuruan kami kung paano magsimula sa paggawa ng blog.



Ikalawa Sir Art Ilano, na itinuro sa amin ang fundamentals ng blog writting.



Ikatlo kay Sir Bobot Meru, na tinuruan kami kung paano ang tamang pag-take ng pictures at ang Rule of Thirds.



Ikaapat kay Sir Jun Valbuena, na tinuruan kaming mag-edit ng pictures na na-take namin.

Ikalima kay Sir Jun na nag-turo kung paano humawak ng kamera o video cam kaso wala ako nun sayang.

Ika-anim kay Sir Aidrian at sa mga kasamahan nya, na tinuruan naman kami ng video editing na kahit maraming proseso ay kakayanin namin. At kahit na pasaway at mahirap kami turuan andyan parin sila para mag-tiyaga sa amin.




At ikapito Sir Bing Tan na tinuruan naman kami kung paano makikilala ang blog namin. At kung paano namin malalaman kung mayroon ng bumisita sa aming blog o kung nagustuhan ng bumisita ang ginawa naming blog.Sa pamamagitan ng Search Engine Optimization,Google Analytics at Net Safety.



Ikawalo kay Sir Leo Magno at sa mga kasamahan nya, na itinuro kung paano simulan ang pag-interview.




Ikasyam kay Sir Richard Estuesta na tinuruan kami nang Videogaprhy.



Syempre hindi ko makakalimutan sila kuya Ibba,ate Grace, kuya Alvin, kuya Haward at syempre kay kuya Vj. Maraming maraming salamat po sa inyo at sa camera na idinonate sa Young Focus upang magamit namin sa pag-gawa ng blogs. Maraming salamat po.

Thursday, August 12, 2010

Guitar Hero Boy


Hindi pa tapos yan meron pang part two hintayin nyo nalang mas maganda ang kasunod... kulang kasi sa oras pati yung kukuhaan ng video. pero susunod pagbubutihan ko na ang ingay kasi ehh.

Tuesday, August 10, 2010

Bagong Bag



Ang saya ko naman binigyan ako ng tatay ko ng bagong bag; Hindi ko alam kung bakit nya ako binigyan ng bagong bag. Malayo pa naman Birth Day ko wala namang espesyal na araw.ahhh!!! alam ko na siguro tiwala sya sa akin na makakapasa sa exam ko sa August 13, 2010. Sana nga makapasa ako,para hindi na ako ma boring wala kasi akong ginagawa sa bahay kundi maglinis nang maglinis lang kain tulog yun lang boring diba.Kaya nga gusto kong makapasa para makapag-aral na ako...

Maling Spelling


Kainis naman yung gumawa nang baptismal ko. mali yung spell ng pangalan ng tatay ko imbes na Agripino Galang ginawang Agridino Galang kainis talaga. gagastos pa ako nang pera para maitama ang spelling kainis talaga...

Sunday, August 8, 2010

Don Bosco is my School




Don Bosco, the school I want to entrance, near which they occur in August 13, 2010 fact that my registration exams and well-prepared me for today I will complete all pending requirements. The only I just wait is the day of my examination. I want to pass thus I do my best; I have to understand the questions and think about all the answers. To enter to the school I want to entrance.

Friday, August 6, 2010

My Everyday Habit

In the morning when I wake up I go immediately to C.R. there I wash my face and brush my teeth. Then I eat my breakfast while watching TV. And then I wash our dishes or clean the house. Then I rest and watch TV again while eating my lunch after I eat I take a bath to go to Young Focus. And there I barrow the computer. After I’m barrowing computer I go to home and there at home I cook rice. Then I watching TV again while I’m watching TV I wait a dish. I eat while I'm still watching T.V. sometimes also required when I do nothing. After I eat I rest to sleep. Before I sleep I signing of the cross and I did wake me thank to god for another day give to me granted her.

Sunday, August 1, 2010

No one can break us a part!!!


Hay... nakakamis ng pala talaga yung buhay High School. mga friends sobrang miss ko na kayong lahat .
sana naman mag-karoon tayo ulit ng bonding yung tulad ng dati, naaalala ko yung mga harutan natin mga tawanan kopyahan lalong hindi ko makalimutan yung mga iyakan pati yung pag-dadamayan mga friends sana hindi tayo mag-kalimutan lagi lang nating iisipin na nanjan lang ang tres quatro na lagi nating malalapitan sa oras nang pangangailangan at handang dumamay sa kahit anong klaseng problema huwag lang mahiya.ganyan ang tres quatro walang iwanan,laging nag-dadamayan,laging maaasahan,handang dumamay,kahit anong bagyo susuungin,at higit sa lahat no one can break us a part sya nga pala muntik ko nang makalimutan miss ko na rin yung mga pag-dayo dayo natin para mag-basketball miss ko na kayong lahat...☺♥☻